Biyernes, Agosto 5, 2011

ABAKADA: I LOVE YOU

ABAKADA: I LOVE YOU
Written by: MERVIN CANTA

A         -Alam mo bang mahal kita
BA       -Bakit pa ika’y nakilala
KA      -Kaibigan noong una, ngayon iniibig na
DA       -Dahil sayo umagang kay ganda
E          -Ewan ko ba kung ano ito
GA       -Gagawin lahat para sayo
HA       -Hahamakin lahat para malaman mo
I           -I love you na best friend ko
LA       -Laman ng puso ko’y ikaw
MA      -Mamahalin ka
NA      -Nang habang buhay
NG      - Ngayon at magpakailan man
O         -Oo na ba ang sagot mo?
PA       -Patawarin ako sa tula kong ito
RA       -Ramdam konaman mahal mo rin ako
SA       -Sana sagutin mo na ako
TA       -Tatawagin lahat ng santo
U         -Upang tulungan ako
WA      -Walang oras na sasayangin sayo
YA       -Yaw ko na sanang matapos ito
            Pero sorry hangang dito nalang kaya ng ABAKADA ko.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento